Showing posts with label Cory. Show all posts
Showing posts with label Cory. Show all posts

Tuesday, August 19, 2008

"Nag-iisa Na Lang Si Ninoy"



Lovingly dedicated to "Ninoy"... Journalist, statesman, freedom-fighter, dreamer, and a hero whose assassination 25 years ago on August 21, 1983 lit the flame of what came to be known as the People Power Revolution... "The Filipino is worth dying for, he once proclaimed... and which later he unselfishly proved"...



"Nag-iisa Na Lang Si Ninoy"

Mas malungkot pa 'ko
Kay Ninoy ngayon
Itong limandaang lukot
Na may mukha niyang malungkot
Tulala
Nakapangalumbaba
At mukhang kawawa
Ang nag-iisang laman
Nitong aking pitakang
Kay nipis-nipis na.

Bakit kaya?
Siguro'y kanyang nabatid
Na si Tita Cory ay may sakit
Samantalang ako nama'y naghihinagpis
Wala pa ring pambayad ng renta
Ilaw
Tubig
At matrikula

Sana itong si Ninoy
Hindi nag-iisa

'Pag bayad ko ng tanghalian mamaya
Itong si Ninoy
Ay mapapalitan
Ng mukha ni Roxas
Na di magtatagal
Ay magiging si Osmena
Na di magtatagal
Ay magiging si Quezon
Na di magtatagal
Ay magiging si Mabini at Bonifacio
Na di magtatagal
Ay magiging si Aguinaldo
Hanggang sa maging si Rizal
Na siyang sumulat
Ng 'Mi Ultimo Adios"

Hindi na lang muna kaya
Ako manananghalian...