Wednesday, October 16, 2013

Dasal sa Alon

A day to escape from my life in a box...
A day of defiance...
A day at the beach....



Galit ang dagat

Bawat hagupit ng alon sa pampang ay sumasabog na matinding poot

Kulang na lang na ito'y magsalita
Sabihing ako'y nalulungkot
Nangungulila sa naglahong kulay at ganda ng dati kong daigdig

Mundong nabili na
Ngunit paulit-ulit pa ring binenta
Hanggang wala nang gustong bumili

Katulad ng perlas na ginawang kwintas
At gomang tirintas na inilalako sa tabing-dagat

Yakap-yakap ng babaing kulot
Ang mayamang matanda na galing sa ibang bansa
Na nagmamasid sa bawat nababasag na alon sa batuhan
Na nagiging tulis-tulis na liwanag

Kaya huwag na tayong lumusong
At sumubok na magpahabol sa alon

Dito na lang tayong magkahawak-kamay sa pampang
Makipagtuksuhan sa mga alaala
Habang dumidilim ang langit 
At nagagalit ang dagat


(Puerto Galera, sunset, Oct.15, 2013) 

No comments: